09 June 2005

again!

nasa greenbelt nanaman ako kahapon. we watched this french film "the bullet". in french its "le boullet" tama ba spelling? anyway, ang pag pronounce daw ay leh-boo-ley.. ang panget pakinggan. parang gulay na hindi mo maintindiha. hmm, may scene dun na pagbukas ng elevator, puro usok.. kala mo may sunog. yun pala nagdoobi lang dun yung dalawang rastafarians. yung doobi nila sobra, mga 10inches yung diameter nung pagkaroll ng RP. hm, masnakakatawa pag napanuod, ambaduy pag binabasa lang eh.

umm, uminom nanaman kami, pero at least, 4 na kami dun. at kahit na mas madaming alcohol ang naintake ko, mas matino naman ang pag-uwi ko. ang labo.

at ang mas malabo ay hindi ako nagkwento.. ako pa eh parang non-stop ako ako dumada (pero wala pa ding tatalo kay abby). err, nagkwento pala ako about, umm, err, yun na yun.. at ayoko na magkwento ng ganung bagay, kahit na enjoy na enjoy ang mga audience..

so JM's new rule.. wag magkwento pag nakainom.. makinig ka na lang, humirit ng mga walang kwentang hirit, at asarin ang mga kasama.

meron pa.. NOT! akala nyo lang meron pa, pero wala, wala, WALA!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home