oy oy oy - very interesting
kung sa english may 'cheers' pag umiinom, anu meron in filipino? umm.. ang 'tagay' ay ginagamit sa pag lalagay ng inumin sa baso.. siguro ang pinakamalapit na ay ang 'kampai' pero bihira ko naman marinig yun, ewan ko kayo.. anyway, may mga germans na may mas-interesting ng theory.. ang cheers daw sa tagalog ay
'oy oy oy'
bakit? isipin nyo pag nag-iinuman kayo.. tapos antagal ng walang umiinom, at tinitingnan lang ang baso, at may isang biglang gusto uminom, anu sasabihin nila? eh di
'oy oy oy, inum na bilis'
'oy oy oy, kami lang umiinom dito ah, inum pa'
and the list goes on...
at kagabi, napatunayan ko nga ito, andun kami sa tia maria's dahil gusto uminom ng alcoholic kong kaibigan na si jenie.. at pag iinom na, ang sinasabi nga namin ay 'oy oy oy' (ang daldal ni abby, non-stop, parang m16)
---
speaking of jenie, nagpakabesprend nanaman sya kagabi. alam nyo ba ibig sabihin non? buti na lang at may kasintahan na sya at di na ako pinagsasamantalahan tulad ng dati. anyway, andami ko pa namang plano kagabi, manunuod sana ako ng elektra, chaka finding neverland na original pirated dvds. tapos mag-blo-blog (ugh, adik), tapos matutulog sana ako ng naka-shorts or undies (basta hindi pants), at hindi ko kailangan bumangon ng 2am (siguro kasi hindi pa ako humihiga) para gumawa ng instant noodles sa stove na walang gas which means walang mainit na tubig. pero syempre, dahil besprend nga, HINDI ako mag-rereklamo na walang natupad sa mga yun. hindi din ako magrereklamo na pinapagawa nya sakin yung template nya for HIS blog. hoy jenie, payday today, libre mo kami sa sabado ha! at hindi din po ako magrereklamo na ang sagot nya ay no. buti ni lang si paulyne sagot ng beer
0 Comments:
Post a Comment
<< Home