13 March 2005

unpredicted series of events

SILA NA! matagal na! tanginertz.. hindi naman dahil sa may pag-nanasa ako kay (must not drop names) _-_-_-_-_o kay _-_-_-_-_-_ (babae po ang pinagnanasahan ko) kaya ako naiinis, pero, una sa lahat, hindi ba naman inanounce sa amin. pagkatapos na ituring ko kayong kaibigan at 'besprend' pa nga yung isa, mag-lilihim pa kayo sa akin. masakit.. alam nyo lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ko (akala nyo lang hindi nyo alam, pero alam, alam, alam nyo) tapos, maglilihim kayo.. tsk tsk...

at ikalawa, at ang mas depressing na issue.. ako single. bwaaaahh. opo, inggit ako. nabawasan ang single sa barkada (at dalawa agad ang nabawas na iyon) at hindi ako ang isa sa mga 'nabawas' na iyon. haaayyy.. TIIS. hindi naman sa hindi masarap maging single.. pero mas masaya kung may kasama kang mag-kung-anu-ano, at alam nyo na yun na nga! haay.. sana hindi sya ganun ka COLD.. hmm.. wait, must go back to the issue

anyway, dahil sa grand announcement na nangyari sa aking cubao dorm (shet, mamimiss ko yun pag nabenta na yun). napilitan si 'boy2' (must not drop names, its not my story to tell) na manlibre ng beer at snacks. ugh, andami kong nainom, at hindi po ako nasuka.. nakailang 'straights' pa naman ako! verry weird.

naiwan ni coni ang kanyang wallet at ang astig na watch so napilitan ako 'makipagtagpo' sa kanya. sinama namin si pau dahil malapit lang siya, si pong ay di naman pwede dahil driver ng family, at ang dalawa ay.. weh. maysarili na silang mundo. nanuod kami ng HITCH, at punyeta naman.. basta ang hirap mag-explain. tinatamad pa ako. may gagawin pa akong isang blog. Hihihi (ay nakup. must not go away from the current issue). ah basta yun

---

going back to the cubao house.. andami na palang pangyayari dun, andami nang nalasing, nabuko, nabunyag, nabuong pag-iibigan, at kung anu-ano pa. punong-puno ang bahay na yun ng 'happy' memories. haay. anyway.. kain na kami.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home