23 October 2005

Bicol Adventure (Day 0)

I'll be leaving for bicol in an hour.

kanina lang, nasa fairview ako with miggy and paolo, tinuturuan ko sila mag skateboard (doh, parang qualified ako mag turo) anyway, sad to say, i-na-idolize yata ako ni miggy. una, gusto nga nya mag skateboard, tas sabi nya kanina, "i want my hair to be like kuya ninong's".. WEIRDO! kawawang bata..

umm, ngayon, andito ako sa isang internet cafe sa alimall (jologs) at naghihintay ng oras. dadating yung bus ng 830.. its not weird but its supposed to be. first time ko kasi mag bus na ako yung magiging bantay. ugh, i mean, nag bu-bus naman going to bicol before and i fell secure kasi anjan naman si nanay, o si tatay, o si tita o si tito. pero this time, wala sila... at ang kasama ko pa ay si pawi, ang nakababata kong pinsan. what i mean is, secure siya (i think) kasi kasama nya ako. ugh, kung anu man, i can only conclude 1 thing from this: tumatanda na ako.

anyway, i wonder what this bicol adventure would be like... malamang, tulog kain beach lang tulad ng dati, but we'll see. sana hindi.

14 October 2005

For the record...

(pero bago yun, sabihin ko lang na punyeta yung umutot sa MRT kanina, AMBAHOooo!)

... madami kayong maririnig na reklamo at parinig na puno ng pagmumura mula sa akin (tulad nung 1st line sa post na to), pero wag sanang seryosohin! dahil wala namang (masyadong) meaning ang mga ito (pero punyeta talaga yung umutot sa MRT). masarap lang talaga mag reklamo, mag pa-guilty at mag-sungit . sa totoo lang, madyo mataas naman ang tolerance level ko sa kahit na anung bagay, pero amboring naman kung ganun diba. puro na lang ok?! sa dapat mag reklamo!!