ganado mag blog
haay, natutuwa naman ako dahil may natatawa sa mga post ko.. may nakuha lang kasi ako na YM nag nagsasabi na 'funny' daw yung blog ko! :)
anyway, gusto ko lang i-kwento si blondie, isa sa mga teacher ko ngayong sem (2 lang naman ang teacher ko kaya malamang, madali mahulaan kung sinu sya). pero bago ang lahat, gusto ko muna sabihin na hindi naman ako malupet mag-salita.. di ako eloquent. sa totoo lang, barok nga ako eh, mali pa mga spelling at grammar ko. wala pa akong 'R' as in 'gwade school' o kaya 'weceive'.. whatev.. tapos bingi pa ako (but that's not the point). pero eto si blondie.. mas malupet pa sa 'ken.. ABA.. teacher sya ha.. at top placer pa sa ECE board exam (ugh, kung tama ang pagka-alala ko). sabi nya nung isang umaga habang naghihintay ng mga late students..
wala pa sila, noh?! maaga pa.. sige, let's wait them
WTF?! hello... wahh.. inuulit ko, hindi ako malupet sa pag sasalita pero naman... anyway, dahil sa di ako mapalagay, nag notes na lang ako.. tas 'ito yung highlight ng mga na-i-sulat ko...
1. how the existing network work - hmm..
2. weakness and strength - mukha namang tama pero?! ewan..
3. what is required characteristics - mukha ding tama...
4. you are 3 member of your group - hmm (2x pa nya ata to sinabi)
ugh.. tapos ang favorite example pa nya pag dating sa numbers eh '50', pero ang sinasabi niya 'pifty' waahhhh....
tas eto pa.. yung link nya sa web site nya for class stuff ay 'Ateneo Studs'.. wtf?! anu kami, mga asong makakati?! pwede din siguro PERO kung ganun &@$%^## nya!
kung iisipin ko, ok lang naman siya, at hindi ko pinagdududahan ang kalupitan nya pag dating sa ECE stuff, pero naisip ko din, na yung mga kaklase ko ay nag babayad ng mga 50k a sem para sa ganung klaseng teacher?! naman...
a clue!!